SAN MANUEL BAND OF MISSION INDIANS NAG-ANUNSYO NG BAGONG PANGALAN NG CASINO: YAAMAVA’ RESORT & CASINO AT SAN MANUEL

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn

 

Ang ebolusyon ng nangungunang casino ng Southern California ay naganap kasabay ng malaking proyekto ng pagpapalawak, kasunod ang hotel at resort na magbubukas sa Disyembre 2021. 

Highland, Calif. (Septiyembre 24, 2021) – Inanunsyo ngayon ng San Manuel Band of Mission Indians (“San Manuel” o “Tribo”) at ng San Manuel Entertainment Authority (“SMEA”) na ang San Manuel Casino ay may bago nang pangalan, Yaamava’ Resort & Casino at San Manuel, isang mahalagang pangyayari na magsisimlua ng bagong yugto sa gaming at hospitality sa Southern California. Ang SMEA ay patuloy na maglilingkod bilang may-ari ng naturang best-in-class casino at resort, habang ang bagong pangalan ay nagbibigay-daan sa Tribo na ituloy ang mga karagdagang oportunidad sa paglago at maglingkod sa pamayanan sa ilalim ng enterprise ng San Manuel Band of Mission Indians.

Ang nagsimula bilang isang hamak na bingo hall 35 taon na ang nakalilipas ay isa na ngayon sa mga pangunahing destinasyon sa Southern California para sa gaming, entertainment, at kainan. Bilang bahagi ng tatlong yugto ng proyekto ng pagpapalawak, sa simula ng taong ito ay nagdagdag ang casino ng mga karagdagang slot machine na ang total ngayon ay higit sa 6,500, isang karagdagang high-limit gaming room, tatlong retail shops at mga bagong bar at restawran sa paligid ng pag-aari. Ngayong Disyembre, bubuksan ng Yaamava’ Resort & Casino ang bagong 17-palapag na hotel na nagtatampok ng 432 guest rooms, kasama ang 127 na maluluwag na suites, pati na rin ang pool deck na may pitong pribadong cabanas, isang full-service spa, at karagdagang mga pagpipilian na kainan. Sa susunod na taon, isang 2,800-upuan na entertainment venue naman ang bubuksan.

“Today marks a new chapter of rebirth and boundless potential, so we have given our property a new name—Yaamava’—the Serrano word for ‘spring,’” sabi ni San Manuel Band of Mission Indians Chairman Ken Ramirez. “We are immensely grateful to our Tribal citizens, the thousands of San Manuel team members, and millions of valued guests over the years, all of whom helped make this moment possible.”

Ang pag-rebrand sa Yaamava’ Resort & Casino at San Manuel ay may kasamang bagong visual identity at logo, na hango sa katutubong lupa ng mga Serrano. Ang logo ng Yaamava’ ay dinisenyo batay sa halamang yucca na hinabi na parang basket, na sumasagisag sa isang mahalagang aspeto ng kasaysayan ng Tribo sa rehiyon at pagbibigay pugay sa kultura at pamana ng San Manuel Band of Mission Indians.

Kasabay ng paglulunsad ng Yaamava’ brand, inilabas din ng Tribo ang bagong Yaamava’ Resort & Casino digital hub sa www.yaamava.com. Ipinapakita ng bagong website kung ano pa ang darating para sa mga hotel rooms and suites, amenities, mga entertainment options sa buong araw at mga detalye ukol sa mga pambihirang gaming offerings para sa mga manlalaro ng anumang uri. Kasabay nito, maaaring ma-download ang Yaamava’ mobile app sa pamamagitan ng App Store ng Apple at Google Play Store ng Android. Inaanyayahan din ang mga bisitang naghahanap ng karagdagang impormasyon na i-follow ang updated social media handles ng @Yaamava sa Facebook, Twitter, Instagram, YouTube and TikTok.

“Today is an important milestone in our continued journey to debut a best-in-class destination,” sabi ng Yaamava’ Resort & Casino General Manager na si Peter Arceo. “Yaamava’ Resort & Casino will redefine the thrilling experiences our guests have come accustomed to and provide the highest level of service excellence in the casino and hospitality industry.”

Bilang resulta ng paglago nito, sa pagtatapos ng 2021, ang Tribo ay may higit sa 6,000 na mga empleyado at team members – dahil dito, ang resort at casino ay nasa top-10 pribadong employer sa San Bernardino County ng Southern California. Kamakailan lamang, ang San Manuel Casino at San Manuel Band of Mission Indians Tribal Government Operations ay naging certified bilang isang “Great Place to Work” ng pandaigdigang awtoridad sa workplace culture. Para sa mga interesado, ang mga oportunidad sa pagtatrabaho ay matatagpuan sa www.sanmanuelcareers.com.

Upang mag-sign up para sa pinakabagong impormasyon mula sa Yaamava’ Resort & Casino at San Manuel, mangyaring bisitahin ang www.yaamava.com.

Tungkol sa Yaamava’ Resort & Casino at San Manuel
Ang San Manuel casino ay may bago nang pangalan – Yaamava’ Resort & Casino at San Manuel. Ang Phase 1 ng pagpapalawak ay nagsimula noong Hulyo 24 na may pinalawak na casino space, mga bar, retail stores, at isang bagong casual restaurant, Serrano Vista Cafe. Ang luxury resort ay magbubukas sa Disyembre 2021 kasama ang pagdaragdag ng isang 17-palapag na hotel tower na nagtatampok ng 432 guest rooms and suites, isang elevated na pool deck, isang luxury full-service spa at salon, pinalawak na mga pagpipilian na kainan, at convenient na 24-hour in-room dining. Milyun-milyong mga bisita bawat taon ang makakapag-enjoy ng isang pangunahing “stay and play” experience na may higit sa 6,500 slots, limang high-limit gaming rooms, pambihirang entertainment, maraming pagpipilian na kainan, at isang malaking player’s reward program.

Ang San Manuel Entertainment Authority (“SMEA”) ay ang tanging nagmamay-ari at nagpapatakbo ng Yaamava’ Resort & Casino. Matatagpuan may 60 minuto lamang mula sa downtown Los Angeles sa lungsod ng Highland, Calif., nag-aalok ang casino resort ng malawak na tanawin ng San Bernardino Mountains. Noong 2021, ang San Manuel Casino at San Manuel Tribal Government Operations ay naging certifed bilang isang “Great Place to Work” ng pandaigdigang awtoridad sa workplace culture.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Yaamava’ Resort & Casino, bisitahin ang www.yaamava.com at sundan kami sa Twitter, Instagram, TikTok and Facebook. Ang Yaamava’ Resort & Casino at San Manuel ay matatagpuan sa 777 San Manuel Blvd, Highland, Calif. 92346. Telepono 800-359-2464.

Para sa Karagdagang Impormasyon:
Jenna Brady, PR Manager
San Manuel Band of Mission Indians
jenna.brady@sanmanuel-nsn.gov or 909-855-5646

###

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *